Monday, October 12, 2020

Ang kahalagaan ng Teknolohiya sa pag-aral

 Ang kahalagahan ng Teknolohiya sa pag-aaral


Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral  sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.                                                                                                                                                                              Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maari kang mag suri , mag siyasat  at mag saliksik ng mga bagay  na  ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak at pangunahing   instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag  siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante   ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.   

                          May ibang klase rin ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong signatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan  , kagaya lamang ng kalkulator. Ang kalkulator ay bahagi din ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang adisyon , pagbabawas , pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa madaling salita ay pagbibilang.    

        Ang lahat ng mga  nabanggit na makakabagong teknolohiya ay ginawa para sa ipapadali ng buhay ng tao lalong lalo sa mga estudyante. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may masamang epekto ito sa kabataan ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may kasamang disiplina , maari itong maiwasan.

 Mga kagamitang ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante at guro:

   Calculator- ginagamit ang computer sa pag -kakalkula o sa operasyon na ginagamitan ng terminong numerikal o lohikal.                                                                                                               Computer- pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.           Internet- mga magkakabit na mga computer network na maaring  gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayumang pamantayan na Internet Protocol (IP).                                                             Powerpoint- kadalasang  ginagamit  ang powerpoint sa pag gawa ng presentasyon o sa impormal na layunin.                                                                                                                                Microsoft word- ito ang ginagamit sa pag-eedit ng mga mahahalagang dokumento o sa pagpri-print ng mahahalagang dokumento.                                                                                      Cellphone- kadalasang ginagamit ang cellphone sa pagkomunikasyon o sa pag reresearch ng mga takdang aralin at iba pa.                                                                                           Excel- karaniwan itong ginagamit sa pagkompyut ng mga  bayarin , buwis , at pati narin ang mga grado o marka ng estudyante.                                                                                               Projector- kadalasang ginagamit ang projector upang maipakita ng malinaw , ang ginagawang presentasyon o pahayag.   

                                                                                                                   

No comments:

Post a Comment

Ang kahalagaan ng Teknolohiya sa pag-aral

  Ang kahalagahan ng Teknolohiya sa pag-aaral Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral  sa...